
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Mahiwagang Biyulin | Muling Isinalaysay ni Christine S. Bellen-Ang
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Mahiwagang BiyulinOrihinal na katha ni Severino R. ReyesMuling Isinalaysay ni Christine S. Bellen-AngGuhit ni Dione Kong-AquinoSa muling pagsasalaysay ni Christine S. Bellen-Ang sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, patuloy na nagiging tahanan ng imahinasyon ang wika para sa mga bata ng ika-21 siglo. Hindi lamang ito mga kuwentong pamalit sa oras ng pagkonsumo sa social media, mobile gaming, at iba pang bukal na aliw na panandalian, kundi mga salaysay na humuhubog ng pagtingin sa kagandahan at katarungan, inaakay ang bata tungo sa pag-unawa at pakikiramay at nagbubukas ng pinto para sa pangangarap ng isang mabuting daigdig.Sa panahon ngayon, kung kailan napakdaling maging mapanghusga at madalas tayong maligaw sa kung ano ang tama o mali, ipinapaalala ng mga salaysay na ito ang halaga ng pakikinig--at ng pagbabasa hanggang sa huli--bago magpasiya, bago kumilos, tungo sa higit na pagpapakatao. May liwanag sa bawat kuwento na gabay sa mga pusong naghahanap ng direksiyon, hindi lamang para sa mga bata: nag-aanyaya ito sa ating lahat na magtanong, mamangha, at maniwala na may saysay pa rin ang kabutihan. Ipinapamana ni Christine S. Bellen-Ang hindi lamang ang kayamanang iniwan ni Severino R. Reyes, kundi ang pananampalataya sa kapangyarihan ng mga kuwento na magturo, mag-aruga, at mangarap ng pagbabago. At bilang mga magulang, guro, at mambabasa, nasa atin ang tungkulin na tulungan itong makarating lalo na sa mga batang madalas na nahahadlangan ng hirap sa pag-access ng mga libro--upang ang imahinasyon at pag-asa ay hindi maging pribilehiyo, kundi karapatan ng lahat ng bata. - Edgar Calabia Samar, PhDPropesor at premyadong manunulat

Precious Pages Bookstore
Review

You May Also Like

Dollars and Sense How We Misthink Money and How to Spend Smarter by Dan Ariely Jeff Kreisler

KUNO Tuba Stand/Performance Stand/Adjustable Height/Musical Instrument Accessory/Tuba/ Euohonium Stand

Chinese Characters Calligraphy Hong Copybook Training For 1-6 Grade Chinese PinYin Hanzi Beginners Writing Language Textbooks每日30字一年级上下册字帖语文点阵同步练字帖二三四五六年级下册练字帖人教版小学生专用每日一练描红练字本

Estimating with Elephants

Cocomelon - My Writing Book

(BIG BOOK) Mga Premyadong Kuwentong Pambata - Sa Tapat Ng Tindahan ni Mang Teban

Rixton 61 Keys Electronic Piano Digital Keyboard Piano Portable Piano Beginner Keyboard Set

Modernong Alamat - Alamat ng Mansanas | Kuwento ni Segundo D. Matias Jr. | Guhit ni Sheehan Demitillo

18 Slot Durable Guitar Pick Organizer Plectrum Bag Specialized For Guitarists Gear Storage

Eric Carle Brown Bear Collection very Hungry Caterpillar Dear Zoo Where is Spot Goodnight Moon Classic Story Books Baby Board Books Famous Childrens Book Kids Picture Books for Toddlers Child Early Learning Education Bedtime Reading

Electric guitar strings Ziko DEG-009 Electric Guitar Strings Set - Extra Light 009-042 Gauge Strings



