St. Catherine High Series Book 3: Confessions of a K-Pop Fangirl by Heart Yngrid

St. Catherine High Series Book 3: Confessions of a K-Pop Fangirl by Heart YngridAnnyeong haseyo! Ako si Sandy, ang certified K-pop fangirl na hindi nangangawit ang ngalangala sa pagtili tuwing nanonood ng music videos at concerts ng mga bias kong K-pop idols. Kung ang iba, may American dream, ako naman, may Korean dream. At ang ultimate dream ko, makatapak sa Seoul at ma-meet ang lahat ng K-pop idols ko.Kaya naman maloka-loka ako nang biglang.., OMO! May napadpad na Koreano sa school namin na kamukha pa ng isa sa mga bias ko.Eotteoke?Nag-ala-ninja tuloy ako sa kaka-stalk kay Choi Dong Ho.Pero may epal na umaaway kay Dong Ho, ang schoolmate naming si Pocholo na parang mainit yata ang dugo sa mga koreano. Aba, siyempre, hindi ko hahayaang i-bully niya ang crush ko. Kaya inaway ko siya.At doon na nagsimula ang matinding war namin ni PocholoK-pop fanatic VS Anti-K-pop. Sino ang mananalo?

Precious Pages Bookstore

Precious Pages Bookstore

Seller ratings 99%

Review

Oops
This video has no reviews.