Florante at Laura ni Francisco Balagtas | Eugene Y. Evasco (Editor)

Florante at Laura ni Francisco Balagtas | Eugene Y. Evasco Editor, Introduksiyon at Gabay sa Pag-aaralWalang isang tamang paraan ng pagbabasa ng Florante at Laura bilang dakilang tulang isinulat ng Pilipino. Maraming paraan upang pahalagahan ito bilang bahagi ng pampanitikang kanon (canon).Maraming dahilan kung bakit naging kanon ang isang akdang pampanitikan. Una, ito a mas mataas na kalidad ng pagkakasulat. Maaaring hindi ito perpekto ngunit sa panahon na naisulat ang isang akda, ito ang maituturing na pinakamatagumpay na naisulat ng isang Pilipino. Ikalawa, may impluwensiya ito sa maraming mambabasa at manlilikha sa paglipas ng panahon. Maraming pagkakataon na ang obra ay naisasalin sa ibang anyo tulad ng pelikula, komiks, pdulang pantelebisyon, dulang panradyo, at maging sa mga aklat pambata. Inspirasyon ang awit sa mga painting, eskultura, at maging sa kulturang popular. Ikatlo, ang nilalaman nito ay maituturing na walang kamatayan. Hindi lumilipas ang taglay nitong tema, mensahe, at aral. Kahit dantaon na ang lumipas, maiuugnay pa rin sa kasalukuyan ang ilang eksena mula sa tula. At panghuli, may makabuluhang panlipunang nilalaman ang akda. Hindi lamang ito basta naghahandog ng aliw, at hindi rin naman nagbibigay lamang ng matalas na pagpuna sa mga kolonyal na pamamalakad ng mga Espanyol.Ang Florante at Laura ay kombinasyon ng aliw, kabuluhan, at pagkamalikhain kung kaya't nanatili itong buhay sa pamamagitan ng pagtuturo at pagbabasa sa mga paaralan.Pages: 136Size: 8.25 in x 10.75 in

Precious Pages Bookstore

Precious Pages Bookstore

Seller ratings 99%

Review

Oops
This video has no reviews.