
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Pag-ibig ni Maryang Sinukuan
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Pag-ibig ni Maryang Sinukuan (The Love of Maryang Sinukuan)Sa muling pagsasalaysay ni Christine S. Bellen-Ang sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, patuloy na nagiging tahanan ng imahinasyon ang wika para sa mga bata ng ika-21 siglo. Hindi lamang ito mga kuwentong pamalit sa oras ng pagkonsumo sa social media, mobile gaming, at iba pang bukal na aliw na panandalian, kundi mga salaysay na humuhubog ng pagtingin sa kagandahan at katarungan, inaakay ang bata tungo sa pag-unawa at pakikiramay at nagbubukas ng pinto para sa pangangarap ng isang mabuting daigdig.Sa panahon ngayon, kung kailan napakdaling maging mapanghusga at madalas tayong maligaw sa kung ano ang tama o mali, ipinapaalala ng mga salaysay na ito ang halaga ng pakikinig--at ng pagbabasa hanggang sa huli--bago magpasiya, bago kumilos, tungo sa higit na pagpapakatao. May liwanag sa bawat kuwento na gabay sa mga pusong naghahanap ng direksiyon, hindi lamang para sa mga bata: nag-aanyaya ito sa ating lahat na magtanong, mamangha, at maniwala na may saysay pa rin ang kabutihan. Ipinapamana ni Christine S. Bellen-Ang hindi lamang ang kayamanang iniwan ni Severino R. Reyes, kundi ang pananampalataya sa kapangyarihan ng mga kuwento na magturo, mag-aruga, at mangarap ng pagbabago. At bilang mga magulang, guro, at mambabasa, nasa atin ang tungkulin na tulungan itong makarating lalo na sa mga batang madalas na nahahadlangan ng hirap sa pag-access ng mga libro--upang ang imahinasyon at pag-asa ay hindi maging pribilehiyo, kundi karapatan ng lahat ng bata. - Edgar Calabia Samar, PhDPropesor at premyadong manunulat

Lampara Childrens Bookstore
Review

You May Also Like

LEKATO AG-04 Guitar Amplifier Mini 5W Electric Guitar Bass Amp Dual Speakers Clean Overdrive Effects

【Ready Stock】Premium Guitar Strap Super Soft Jacquard Embroidered Strap for Acoustic Electric and Bass Guitars
![[COD] AqToCna Ship within 24 hours Ivory Buffalo Bone Bridge Saddle And Slotted Nut For 6 String Acoustic Guitar](https://img.lazcdn.com/g/p/6e68ea3b0029e7eebad22e5d9105f7d4.jpg_300x300q80.jpg)
[COD] AqToCna Ship within 24 hours Ivory Buffalo Bone Bridge Saddle And Slotted Nut For 6 String Acoustic Guitar

Si Miong at ang Kapre ng El Viejo | Kuwento at Guhit ni Jhucel A. del Rosario - MIBF2025

School and Home Workbooks - Same And Different PK 1

The Womans Study Bible for Women NIV - Large Print Elegant Blue Floral Design with Full-Color Pages Red Letter for Girls Singles Wives Mothers Friends

(BIG BOOK) Im Bored | Story by Maita S. Salvador | Illustrations by Pergy Acuña

Sale Bulrush Oboe Reeds Soft Mouthpiece Orchestral Medium Wind Instrument Part with CKeys

RIXTON Compact Electronic Drum Set - 7-Pad Roll-Up Kit with Drum Pedals Drum Sticks & USB Connectivity

6pcs Acoustic Guitar Strings 010 /012Guitar Strings with pick

PU Guitar Pick Storage Bag Keychain Plectrum Holder for Acoustic Electric Guitar Accessories



