
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Rosamistica
Mga Kuwento ni Lola Basyang: RosamisticaSa muling pagsasalaysay ni Christine S. Bellen-Ang sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, patuloy na nagiging tahanan ng imahinasyon ang wika para sa mga bata ng ika-21 siglo. Hindi lamang ito mga kuwentong pamalit sa oras ng pagkonsumo sa social media, mobile gaming, at iba pang bukal na aliw na panandalian, kundi mga salaysay na humuhubog ng pagtingin sa kagandahan at katarungan, inaakay ang bata tungo sa pag-unawa at pakikiramay at nagbubukas ng pinto para sa pangangarap ng isang mabuting daigdig.Sa panahon ngayon, kung kailan napakdaling maging mapanghusga at madalas tayong maligaw sa kung ano ang tama o mali, ipinapaalala ng mga salaysay na ito ang halaga ng pakikinig--at ng pagbabasa hanggang sa huli--bago magpasiya, bago kumilos, tungo sa higit na pagpapakatao. May liwanag sa bawat kuwento na gabay sa mga pusong naghahanap ng direksiyon, hindi lamang para sa mga bata: nag-aanyaya ito sa ating lahat na magtanong, mamangha, at maniwala na may saysay pa rin ang kabutihan. Ipinapamana ni Christine S. Bellen-Ang hindi lamang ang kayamanang iniwan ni Severino R. Reyes, kundi ang pananampalataya sa kapangyarihan ng mga kuwento na magturo, mag-aruga, at mangarap ng pagbabago. At bilang mga magulang, guro, at mambabasa, nasa atin ang tungkulin na tulungan itong makarating lalo na sa mga batang madalas na nahahadlangan ng hirap sa pag-access ng mga libro--upang ang imahinasyon at pag-asa ay hindi maging pribilehiyo, kundi karapatan ng lahat ng bata. - Edgar Calabia Samar, PhDPropesor at premyadong manunulat

Precious Pages Bookstore
Review

You May Also Like

What Do School Secretaries Do?

White Nights by Fyodor Dostoyevsky Penguin Little Black Classics (paperback)

Smart Wireless Bluetooth-compatible Foot Pedal Guitar Sheet Flipping Portable Guitar Page Turner

365 Stories Prayers and Promises by Bethan James and Frank Endersby

The Metamorphosis (Legend Classics)

JOYO JAM BUDDY II 10W Portable Guitar Practice Amp OTG Recording 14 Amp Models Electric Guitar Amplifier & Effects Pedals 2 in 1

4PCS/Set Nylon Strings Universal Ukulele String for 21in 23in 26in Ukuleles

DepEd K To 12 School Register For Elementary & High School

(COD+3 Days Delivery)6/12PCS 30*30*1cm Acoustic Foam Panels-Sound Proof Foam PanelsFireproof&High Density Soundproof Foam Panels Work for WallSoundproofing Wedges for Studio & Office Decreasing Noise and Echoes sound proofing foam wall

NIV Study Bible Cultural Backgrounds

Retro Geometric Stylish Woven Drumstick Bag with Hanging Loops for 4-6 Drumsticks & Accessories



