
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Plawta ni Periking
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Plawta ni Periking (Periking's Flute)Number of Pages: 32Sa muling pagsasalaysay ni Christine S. Bellen-Ang sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, patuloy na nagiging tahanan ng imahinasyon ang wika para sa mga bata ng ika-21 siglo. Hindi lamang ito mga kuwentong pamalit sa oras ng pagkonsumo sa social media, mobile gaming, at iba pang bukal na aliw na panandalian, kundi mga salaysay na humuhubog ng pagtingin sa kagandahan at katarungan, inaakay ang bata tungo sa pag-unawa at pakikiramay at nagbubukas ng pinto para sa pangangarap ng isang mabuting daigdig.Sa panahon ngayon, kung kailan napakdaling maging mapanghusga at madalas tayong maligaw sa kung ano ang tama o mali, ipinapaalala ng mga salaysay na ito ang halaga ng pakikinig--at ng pagbabasa hanggang sa huli--bago magpasiya, bago kumilos, tungo sa higit na pagpapakatao. May liwanag sa bawat kuwento na gabay sa mga pusong naghahanap ng direksiyon, hindi lamang para sa mga bata: nag-aanyaya ito sa ating lahat na magtanong, mamangha, at maniwala na may saysay pa rin ang kabutihan. Ipinapamana ni Christine S. Bellen-Ang hindi lamang ang kayamanang iniwan ni Severino R. Reyes, kundi ang pananampalataya sa kapangyarihan ng mga kuwento na magturo, mag-aruga, at mangarap ng pagbabago. At bilang mga magulang, guro, at mambabasa, nasa atin ang tungkulin na tulungan itong makarating lalo na sa mga batang madalas na nahahadlangan ng hirap sa pag-access ng mga libro--upang ang imahinasyon at pag-asa ay hindi maging pribilehiyo, kundi karapatan ng lahat ng bata. - Edgar Calabia Samar, PhDPropesor at premyadong manunulat

Precious Pages Bookstore
Review

You May Also Like

M-VAVE MK300 Guitar/Bass Multi-Function Effects Unit ANN Neural Modeling 120AMP/360FX

JOYO | Portable Electric Guitar Amplifier With Drum Machine Effects for Practice Playing Folk Music

JA-05W Plug and play versatile instrument amp

★Same Day Shipping★ Metal Standard Drum Key Drum Tuning Key for Drummer Percussionist Musical Gift Drum Replacement Parts Accessories Drum-Tuning-Key

Prisna Vol 2 Princess Vibhavadi Rangsit

Flatsons | Flatsons FA-16 Guitar Repair Pad EVA Mat Electric Acoustic Guitar Repair Pads with Neck Support Guitar Parts & Accessories

Figure Drawing Practice Book Anatomy Structure Workbook Dynamic Poses Sketching Guide Artist Study

【COD】Haze liquidstage/ oil base fogliquid/KTV/Event/MusicFestival/stage lighting haze machine liquid

The Action Bible: God’s Redemptive Story – Soft Cover Illustrated Bible for Kids Teens & Adults | 830+ Comic Style Bible Stories | Brand New

Math Thinking Special Training Books Mental arithmetic mouth calculation quick calculation Book For Children Grade 1-3小学生新版计算高手三合一数学思维专项训练题人教版同步练习册口算竖式应用题解决问题加减法乘除法混合运算算术本数学专项天天练

Old Macdonald Had a Farm Finger puppet toy book By Scholastic



