
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Binibining Tumalo sa Mahal na Hari
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Binibining Tumalo sa Mahal na Hari (The Maiden who Defeated the King)Sa muling pagsasalaysay ni Christine S. Bellen-Ang sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, patuloy na nagiging tahanan ng imahinasyon ang wika para sa mga bata ng ika-21 siglo. Hindi lamang ito mga kuwentong pamalit sa oras ng pagkonsumo sa social media, mobile gaming, at iba pang bukal na aliw na panandalian, kundi mga salaysay na humuhubog ng pagtingin sa kagandahan at katarungan, inaakay ang bata tungo sa pag-unawa at pakikiramay at nagbubukas ng pinto para sa pangangarap ng isang mabuting daigdig.Sa panahon ngayon, kung kailan napakdaling maging mapanghusga at madalas tayong maligaw sa kung ano ang tama o mali, ipinapaalala ng mga salaysay na ito ang halaga ng pakikinig--at ng pagbabasa hanggang sa huli--bago magpasiya, bago kumilos, tungo sa higit na pagpapakatao. May liwanag sa bawat kuwento na gabay sa mga pusong naghahanap ng direksiyon, hindi lamang para sa mga bata: nag-aanyaya ito sa ating lahat na magtanong, mamangha, at maniwala na may saysay pa rin ang kabutihan. Ipinapamana ni Christine S. Bellen-Ang hindi lamang ang kayamanang iniwan ni Severino R. Reyes, kundi ang pananampalataya sa kapangyarihan ng mga kuwento na magturo, mag-aruga, at mangarap ng pagbabago. At bilang mga magulang, guro, at mambabasa, nasa atin ang tungkulin na tulungan itong makarating lalo na sa mga batang madalas na nahahadlangan ng hirap sa pag-access ng mga libro--upang ang imahinasyon at pag-asa ay hindi maging pribilehiyo, kundi karapatan ng lahat ng bata. - Edgar Calabia Samar, PhDPropesor at premyadong manunulat

Lampara Childrens Bookstore
Review

You May Also Like

180 Days of Problem Solving for Fourth Grade

JC 500mw Disco Light Laser with DMX Control for Christmas / Halloween / Karaoke / ShowDance / Gift Birthday / Wedding / KTV /Bar

Ang Aklat ng Sator Koronados

Ten Types of Innovation: The Discipline of Building Breakthroughs by Larry Keeley Helen Walters Ryan Pikkel and Brian Quinn

High Quality Metal Capo Shark Shape Guitar Capo Quick Change Clip Bass Guitar Bridge Ukulele Stringed Instrument Accessories LZC-Shark-Capo

LED Projector DJ Disco Light Music Sensitive Sync Effect Lighting Stage Party Dance Light

Si Haring Kuliglig At Si Haring Leon | Muling isinalaysay ni Eugene Y. Evasco

Roland Jazz Chorus JC-60 60W Guitar Amplifier | Preloved Japan | Good Condition | 220V Ready | Legendary JC Clean Tone

Active bass warwick(thomson)

Spit and Phlegm! (Your Body at Its Grossest)

Authentic Irish Whistle Flute C D Key Tin Penny Whistle with 6 Holes Perfect Traditional Irish Music Musical Instrument



