
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Parusa ni Duwende
Mga Kuwento ni Lola Basyang: Ang Parusa ni Duwende (The Dwarf's Punishment)Sa muling pagsasalaysay ni Christine S. Bellen-Ang sa Mga Kuwento ni Lola Basyang, patuloy na nagiging tahanan ng imahinasyon ang wika para sa mga bata ng ika-21 siglo. Hindi lamang ito mga kuwentong pamalit sa oras ng pagkonsumo sa social media, mobile gaming, at iba pang bukal na aliw na panandalian, kundi mga salaysay na humuhubog ng pagtingin sa kagandahan at katarungan, inaakay ang bata tungo sa pag-unawa at pakikiramay at nagbubukas ng pinto para sa pangangarap ng isang mabuting daigdig.Sa panahon ngayon, kung kailan napakdaling maging mapanghusga at madalas tayong maligaw sa kung ano ang tama o mali, ipinapaalala ng mga salaysay na ito ang halaga ng pakikinig--at ng pagbabasa hanggang sa huli--bago magpasiya, bago kumilos, tungo sa higit na pagpapakatao. May liwanag sa bawat kuwento na gabay sa mga pusong naghahanap ng direksiyon, hindi lamang para sa mga bata: nag-aanyaya ito sa ating lahat na magtanong, mamangha, at maniwala na may saysay pa rin ang kabutihan. Ipinapamana ni Christine S. Bellen-Ang hindi lamang ang kayamanang iniwan ni Severino R. Reyes, kundi ang pananampalataya sa kapangyarihan ng mga kuwento na magturo, mag-aruga, at mangarap ng pagbabago. At bilang mga magulang, guro, at mambabasa, nasa atin ang tungkulin na tulungan itong makarating lalo na sa mga batang madalas na nahahadlangan ng hirap sa pag-access ng mga libro--upang ang imahinasyon at pag-asa ay hindi maging pribilehiyo, kundi karapatan ng lahat ng bata. - Edgar Calabia Samar, PhDPropesor at premyadong manunulat

Precious Pages Bookstore
Review

You May Also Like

KAWES 170 Double Rocker Electric Guitar HSH Pickup Professional Metal Electric Guitar 6 Strings 24 Frets Electric Guitar

RANG Top Quality Self-adhesive Comma Shape Pick Guard Scratch Plate Folk Acoustic Guitar Pickguard

Yours Truly by Abby Jimenez

Madonna in a Fur Coat by Sabahattin Ali Paperback

World Famous Paintings Reproduction Cards 25 Pieces

Friends Complete Season Collection Season 1 to 3 Special Plus Behind the Scenes Footage BTS

YAMAHA PHX 6PC SHELL PACK DRUM SET JAPAN

Ang Limang Tuta (BIG BOOK) | Kuwento ni Eugene Y. Evasco | Guhit ni Almar Denso

MY BOOK OF SHAPES

Living Trusts + Wills Retirement Tax & Estate Planning - The 6-in-1 Guide: How to Make Your Own Living Trust Avoid Probate Save On Taxes

1 pc IRIG guitar interface converter 3.5mm audio cable with low background noise high fidelity frosted anti scratch feature



